“Eh Bakit Ka Tulo Lawaaaaaaaaaaay?!”

Spoiled brat, ayaw lumabas ng bahay, gusto computer games ang nilalaro, yan ako. Ni hindi ako mahilig maglaro ng mga larong kalye, pero sobrang hindi ko pinagsisihan ang isang araw sa buhay ko na kinumpiska ng mommy ko ang lahat ng gadgets ko nung umuwi kami sa probinsya.

Noong 1st year high school ako, summer, nagpunta kami sa province ng daddy ko, isang liblib na baryo sa Bulacan, sobrang isolated, walang signal, walang internet. Napilitan akong i-surrender sa mommy ko ang gadgets ko. Sobrang boring ng first 2 days ko, as in nakakabaliw para sa isang computer baby na katulad ko. Pero nakita ko yung mga pinsan ko, may nilalaro sila, out of boredom lumapit ako, naglalaro daw sila ng “Paway”, sumali ako. NARAMDAMAN KONG BATA PALA KO PAGKATAPOS NG ARAW NA YON.

Pagkatapos ng bakasyon na yon, Sabado’t Linggo na lang bukas ang lahat ng gadgets ko. Pagkatapos ng baksyon na yon, napatunayan kong bata ako at hindi robot. Natigil ang lahat ng yon dahil nag-high school ako, transition year para sa aming mga teen-agers, hanggang sa pumasa ako sa UPCAT. Mas nawaan ako ng oras sa masasabi kong pasaporte sa pagkabata. Pero buti nalang may chance pa pala ko maging bata ulit, at matututo pa ko, dahil sa Philippine Games. Dahil ang joke time ng unang journal ko, hayaan nyo naming i-share ko yung serious side ko ngayon.

Kahit kailan hindi ko na-imagine yung MVP na yon hahahaha, that’s really unexpected, una kasi hindi ko nga nararamdaman na nasa klase ako. Alam mo yung pakiramdam na pupunta lang ako ng new gym para maglaro at hindi mo lang agad mararamdaman na klase pala ang pinupuntahan mo dahil maski yung instructor ay game na game, yun ang gusto ko personally sa class namin, para ka lang nakikipaglaro sa mga kalaro mo nung bata ka, may grades nga lang. Sa totoo lang mas naenjoy ko yung first half nung sem, dahil siguro iba padin pag si ma’am Grecia ang nagtuturo ng game but nonetheless dahil mababaw naman ang klase naming, madali din naman kaming nag-enjoy sa karamihan ng invented games na pinalaro samin ng mga classmates namin haha! May naospital pero hala game padin sila! Sabihan mo na kong clingy pero, isa to sa mga class na mahirap kalimutan dahil una, ang saya ng mismong subject, ang sarap kasama ng mga classmates ko, at ang cool ng prof ko!

Hindi ko man maalala yung ibang gmaes na nilaro naming noon, may iilang tumatak talaga sa akin hahaha.

Wear who you are:

Ito yung larong for me ay mejo nakakasabaw, in such a way na yung mga categories na nasa game ay hindi naman lahat tumutugama sa category ng iilan sa aming mga ka-grupo. Graduating, in a relationship, wala naman saming ganoon, sabaw lang talaga. Hahahaha. Pero natutuwa ako sa game dahil mas makikilala mo yung mga kalaro/kaklase mo sa game nato, Masaya kasi kahit personal yung laro ay alam mong para sa fun lang naman yung game. Yung larso ay maghahagis nga damit ang mga facilitators at kailangan itong saluhin  ng mga members ng grupo nyo, may mga papel na nakadikit sa mga damit na kailangan i-act ng sumalo, at  kung kanino tumutugma ang katangian na nakasulat sa papel aky kailangan nya iosuot ang damit at tumakbo papunta sa facilitators.  Medyo nangapa kami sa game dahil, nagkaroon ng category  na “in a relationship,” “Bracket A”, “ graduating”. Sabaw lang naman yun sa amin kasi wala naman ni  isa samin ang nagfo-fall sa ganong categories (sabaw lang ahahaha). Sa huli hindi kami nanalo. Hahahahaha

Sa variations naman na isang nakaka-pisikal na game hahaha, kailangan ng buhatin yung taong magsusuot ng damit. Grabehan lang, buti nalang at hindi kabigatan ang group-mates naming hahahaha.

As a whole, generally fun naman ang game pero mas may igaganda pa sana yung game nila,  siguro pwedeng tanggalin yung charades para mas may thrill, o kung hindi nila tatanggalin ang laro, maaari din na dapat ay may magche-check na lang kung tama ba ang ginagawa ng bawat grupo.

 Ball’s out:

ANG BRUUUUUUUTAL LANG SWEAR HAHAHAHAHA. Ito yung larong hindi natapos dahil may na-injured. Pwedeng for me ,ito na din yung masasabi ko most brutal invented game ng batch namin kasi dito ay may natahing dalawang classmates! Nung nagkatamaan sila Peter at Pam(YEY! NATAHI LOLJK. HAHAHAHAHA)Grabe lang ang tahi, lakas maka- stitches, hahahaha Masaya naman ang laro in general, sobrang unpredictable nga lang at hindi mo na malalaman kung ano ang susunod na mangyayari. Parang agawang panyo ang alrong ito, ang pagkakaiba nga lang ay pag natawag ang numero mo, kailangan mapalabas  mo ang bola sa isang square para manalo ang grupo nyo. Noong mga unang suboksa game ay ramdam na ang ka-brutalan pero kebs lang, Masaya naman hahaha! Hindi naman na naming alam kung ano na ang mga sunod na mangyayari noo, pero isa lang ang napatunayan ko  bilang siang MVP sa Philippine Games (YEZZZZZZZZZZZZZ MVP!) Na grabehan ang kabrutalan ng game na to, di ko kinaya! Hahahaha.

Sa sobrang ka-brutalan ng larong ito hindi na umabot ng variations ang grupo kaya hindi na naming alam ang nangyari pero sobrang advisable to sa klase naming kaya push padin hahaha. Kahit ito ay yung isa sa masasabi kong literal na pisikal na laro, ito yung masasabi kong isa sa pinaka-gusto ko dahil sa nakaka-enjoy ito! 😀

Sambunot:

Itong game nato ay yung masasabi kong isa  sa mga hindi ko makakalimiutan sa sem na, to, brutal pero nakakatuwa, astig at alam mong magtatrabaho hindi lang katawan mo, pati utak mo. Itong game na to ay isang game na nilaro noong Interclass, na sobrang hindi ako naka-attend. (sobrang fail lang ahahahaha)  Medyo parang Ball’s Out din ang game na ito at Agawang Panyo, nga lang bunot (dapat bunot kaso nagging bola nalang hahaha) magtatawag ng number si ma’am at Kailangan paunahan makuha ang bola ng kung sino amn sa magkalabang grupo, ang unang makalampas sa linya ng kanilang grupo ang panalo! Sobrang na-enjoy ko ang larong ito dahil gusto ko talaga ng brutal na laro. HAHAHAHAHAHA.

Sa variation ng laro ay dalwang klaseng game ang ginawa ni ma’am! Sobrang intense lang talaga ng ginawa nya! Yung una ay tatlong bola na ang pag-aagawan! Sobrang kasabwan lang yung nangyari kasi ang hirap pag tatlo na yung mga bola, at take note! Multiple numbers na ang tatawagin ni ma’am Grecia! Sobrang dagdag pisikalan lang ang nais? Hahaha. May moment na sobrang benta sakin during this time! Yung may classmate kami na sobrang nasira yung glasses kasi brutalan na yung peg ng laro naming, then talagang tumigil kami para lang maayos yung glasses nya! Sobrang saya lang ng sportsmanship ng classmates ko hahaha.

Justice League:

Eto medyo boring na eh, kung di lang dahil Flash pangalan ko, hindi ko gugustuhin to eh, LOLJK. Masaya din tong larong to! Lalo na si hustisya! Basically ang game a medyo nakakalito, pero ang konsepto ay kailangan iligtas si hustisya mula sa mga kontrabida! Hahaha (mature ko lang sa game nato hahahaha) nung mga unang try namin ay medyo nangangapa pa kami sa kung anong gagawin dahil medyo ang liit ng espasyo at ang dali ng pagsave kay hustisya, pero nung variation na na kailangan ng habulin ng mga taumbayan ang kontrabida doon ko massabing nag-enjoy ako! hahaha. Nahahati kasi ang grupo sa tatlo at isang grupo lamang ang hahabulin ng dalawang taumbayan kaya masaya (yun din pala ang variation nila)

Para sa akin di ganoon ka-enjoy yung game dahil hindi naman gumagalaw lahat pero naenjoy ko to dahil sobrang tawa lang kami ng tawa na hindi naman namin alam yung dahilan. Hahahahaha

Piko:

Ito yung last game na nalaro ko (awwww last game!) Alam naman siguro ng lahat ang laro to, pero hindi parin nakalampas ang aming class sa mga hindi pa nakakalaro ng piko! hahahaha. Alam naman ng lahat kung paano to nilalaro, kailangan lang na mgkabahay ka para maging safe ka! Sobrang fun ng game na to kasi pa-hanginan kami sa mga pamato! Si Dexter talaga ang pamato asin eh! daya lang, hahahaha. Sobrang saya ko alng dahil nalaro ko na ulit to! Bilang isang nagbibinata, sobrang awkward lang pag nangyari sakin yon diba? hahahahaha.

Hindi ko na naabutan ang variation nito dahil absent ako sa last game day namin, sobrang sad lang kasi may emergency, pinagsisisihan ko din na medyo ok na naman! 😀 (sabaw ko lang hahahaha)

Sa kabuuan, katulad nga ng sinabi ko sa isang version ng blog ko na to, sobrang kinumpleto ng Philippine Games ang college life, hindi man as a major, kundi as a general naman. Masaya, sino ba namang hindi sasaya una dahil sa laro, pangalawa dahil sa timeslot natin! :DDDD Hinding hindi ko makakalimutan si Ma’am Jo Ann! At kung gaano ako natututo sa isang subject na hindi lang laro ang aatupagin, report report din hahahaha.

Advertisements

About flashubina

reading is my breakfast, lunch, supper, AND MIDNIGHT SNACK :) so if you love to eat, join me! :)
This entry was posted in Maroon Moments, Philippine Games, Writing Stuff. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s